Pagtatapos

 

1

Mula sa pag-aaral na ito, ano ang ilan sa mga bagay na alam mong totoo sa buhay mo ngayon?

 

 

2

Gusto mo bang pasalamatan ang Diyos ngayon din dahil sa mga ginawa Niya para sa iyo?

Ang pasalamatan ang Diyos ay pagpapakita ng katunayan ng ating pananampalataya Sa kanya. 

 

 

3

Sa buong linggong ito, gawin mong bahagi ng buhay mo ang mga katotohanang ito habang lumalago ka kay Kristo:

Ikaw ay napatawad.
(Colosas 1:13, 2:13-14; Hebreo 10:15-18)

Ikaw ay anak ng Diyos.
(Juan 1:12-13; Roma 8:15; 1 Juan 3:1)

Ikaw ay tinatahanan ni Kristo.
(Pahayag 3:20; Galacia 2:20)

Mayroon kang bagong buhay.
(2 Corinto 5:17; Efeso 2:4, 5)

Mayroon kang buhay na walang hanggan.
(1 Juan 5:11-13; Juan 5:24; Juan 10:27-29)

 

 

Kumuha ng isang katotohanan bawat araw at pag-isipan ito.

Basahin ang mga nakasulat sa bawat katotohanan.

Magpasalamat sa Diyos na ito ngayon ay totoo sa iyo.

Ang pag-alam sa mahahalagang katotohanang ito ay mahalaga sa iyong paglago kay Kristo. Gayundin, sabihin sa isang tao sa linggong ito na mayroon kang kaugnayan kay Kristo.

 

 

Mungkahing babasahin

  1. Juan 3
  2. Kaalamang Maisasalin Bilang 1- "Paano Makatitiyak na ikaw a y Isang Kristiyano (Transferable Concept No.1 "How to be Sure You Are a Christian")

Previous Next

©1994-2020 Cru. All Rights Reserved.